About Me

My photo
Taguig City, Philippines
xoxo

Friday, October 2, 2009

Oh Ondoy... Wala kang girlfriend kaya ka ganyan!




Ito ang aking kauna-unahang blog na ginawa ko, dahil sa pag ka bored dito sa bahay (after mag review at mag dota)..


Kaya ako gumawa ng ganito para i-share sa inyo ang aking experienced kasama ang mga mahal ko sa buhay.

Pero ikwe-kwento ko muna sa inyo kung ano ang naranasan ko nung Saturday 26, 2009.

May pasok ako non sa Arellano University Legarda for my Course Audit II every saturday and sunday.

So ito na... Pag gising ng 5:00am (antok pa) ramdam ko na na walang pasok. So nag hilamos, mumog at kain na ako, tpos naligo at nag bihis. Tapos harap sa laptop para mag check ng new feeds sa Peysbuk at para itext si Princess (Gf) gamit ung Chikka. Heheh. Nagulat ako biglang may nag bukas ng gate namin so ako naman sumilip sa bintana ayun si mama lang pala (galing duty 10pm-6am).

Mama: Anong oras na!! May pasok ba talaga kayo!? Ang lakas ng ulan, wag na kayo pumasok!
Jm: Meron mama, ano kaba! Alis na ako, Marjoe ikaw sabay kaba sakin!?
Mj: Okay kuya. Wait lang papaload lang me.
Jm: Okay wait kita sa kanto. Alis na kami ma.
Mama: Okay mag ingat kayo. May mga payong ba kayo?
Jm & Mj: Opo meron, ito na nga oh gamit nmin! (Bulag?).

So aun na nga sumakay na kami sa trycicle at nilibre ko pa siya, imbis siya ang manglibre ksi panganay ako bunso lng siya. Amp!!! Tapos pag ka baba namin ng tryc.

Mj: Kuya KKB na tayo huh!?
Jm: Aus huh? Geh okay lng... Abusuhin mo kabaitan ko! (Kaway ng jeep! Ma-ma para!!)

So sumakay na kami ng jeep, ng nasa jeep na kami ito ang lagi kong ginagawa matulog sa byahe. Hehe.. Amp aun nagising ako nasa edsa(MRT) na kami. So bumaba na kami.. Basa agad sapatos ko dahil sa baha pa kami ibinaba!! Sirang ulo ung manong driver!!

Mj: Kuya!!! Dito na akoooo!!
Jm: Okay, wag kang manigaw!! Ingat ka!!! (So umakyat na ako sa LRT going to Doroteo Jose)

Haizt hirap pala mag type lalo na ilang araw na nakalipas!! Hindi ko na maalala hahah!!! Amp may dementia ako!!! Shortcut na lang natin.

So nasa loob na ako ng lrt.. So e2 n naman paiglip iglip habang nakatayo sa loob ng train. Haha.
Nang makarating na ako sa destinasyon ko. Sabi ko sa isip ko. (Sigurado baha na naman tong lalakaran ko haizt.... Dapat pla nag tsinelas na lang ako.... T_T). Nagulat ako sa nakita ko dahil walang baha!!!! Thanks god!!! Naglakad na ako ng mabilis dahil male-late na ako 8:00am ang time in pra ndi late, eh 8:00am na un nsa Avenida pa lang ako pra sumakay ng San Juan na jeep.

Nang nkasakay na ako sa jeep (Manong dalian nyo late na ako!!). Tulog n naman!!! Syempre, ng makadating ung sinasakyan kong jeep na sobrang luma na ang baho pa kasi may na ninigarilyo!! Amp ang aga aga eh!!! So mga 8:12am na un, sobrang nag mamadali talaga ako!! Hala ayun tinakbo ko tlga!! Snoob ko ung mga guard kasi titignan pa ung bag ko eh dinidikit lang naman nila ung stick eh! Amp!! Aun na nga tinakbo ko hanngang 3rd floor sakto! Late syempre 8:15 buti na lang ndi 8:16 kasi absent na un eh... Haha!

Nang nsa room na ako, grabe dami din palang late hindi lang ako! Haha..
Pero start na ng lecture namin (PALMAR), ang aga grabe, ung ibang lecturer mga 9:00am pa. Pero un ang bangis!! Talagang Professor tlga (Mukha naman pastor).. Haha!!! Eh biglang may epal na sumulpot sa pinto ng classroom nmin!! Aun c carousel hahah!! Nag sigawan na kami, kasi ang lakas ng kutob namin na alam na! Na sususpend nya ang class namin. Hahah, Edi eto na nga, wala ng pasok! So ako naman uwing uwi na dahil nangangati na paa ko dahil napasukan ng baha nung bumaba ako sa edsa.

9:00am lumabas na kami ng room kasama mga barkada ko. Ung iba nag pa iwan pa! haizt mga pasaway... So kaming tatlo nalang ni Essa at Arianne ang umuwi agad. kami ang unang una na lumabas sa gate ng Arellano, ng sumakay na kami ng jeep grabe ang lakas na ng ulan! Nagulat kami ng nsa bandang recto na kmi may sumakay na kamukha ni Angel Locsin na kahawig ni Lola Gets sa Tayong dalawa sa Abs-cbn. haha (Pulube xa)! Sobrang baho at napakaswerte ko sakin pa sya tumabi. Bigla kusang gumalaw paa at katawan ko sabay lipat ng ibang upuan. Grabe ung amoy nya dumikit tlga sa jacket ko! Amoy mapanghi na ewan na putok na patay na baboy! Amp tlga.

Tapos aun na nga hanggang sa Avenida ndi pa din xa bumababa so kami bumababa na, at sabay sabay kami lumangoy sa baha papuntang Lrt, ng nsa loob na kmi ng lrt kabado na kmi kc talagang naulan eh. Sila lang pla kc wala naman sakin un. Ung isa kong classmate bumababa na sa quirino, dalawa na lng kami ngaun sa lrt, ung kasama ko sa Edsa din bababa pero ang uuwian nya pa Cavite. Grabe Cavite to Legarda... San ka pa! Sa dulo pa xa ng Cavite papunta tagaytay! hehe... So aun na nag hiwalay na kami sa Edsa.. Lakas ng ulan grabe.

Nang nsa overpass ako ung payong kong worth of 50 pesos sira agad! Kabibili lng nung friday. Grabe sulit na sulit.. hahaa! Nang nkasakay na ako ng jeep grabe sobrang traffic pa nsa malibay palang kami nun. haizt.. gutom na ako, siguro mga past 10:00 na un. So umandar, ng umandar ng umandar ung jeep hanggang makarating sa Magallanes na baha na rin grabe! Tpos traffic na naman! grabe.. nakakabored sa loob ng jeep at basang basa ka... Hirap pa mag tx dahil basa kana na ngangatog ka pa sa sobrang lamig, ng nsa fort bonifacio na ako almost 2hours ung traffic paakyat pa lng un! naka2log na ako lahat lahat... Biglang banat ng driver e2 mga bayad nyo oh. Uso na alay lakad ngaun.. Baha na sa baba... Babalik na ako pasay. Ganda ng ngiti ni manong driver! Syempre ako naman kuha agad ng bayad. Sabay baba.



Ng bumaba ako naisipan kong mag payong ng pag bukas ko sira na pla.. Baliktad na ang bukas ng payong ko. So aun grabe nakita ko nga sobrang baha.. Lahat ng mga tao stranded sa ilalim ng tulay sa Bonifacio.. So ako naman tx tx sa magulang ko na ndi n aq makasakay..

Ilang oras din aq nag antay (Mga 2pm na un) ng blessing kung may darating pa ba na pwedeng masakyan at aun! Toink my bus aq na natanaw!!! Sumakay agad aq maski basa.. At ang daming nag sunuran sakin, haha follow the leader daw! Nag pasalamat ako at may bus na bumabyahe pa! Biglang singil c manong. Manong sa sto. nino lng po. Bente binigay ko. Tinicketan ako dalawang 10, amf benta isa!? grabe!! 7 lng eh! d n aq umimik. Nag pasalamat nlng ako at sabay +karma sana!! haha! So aun na e2 na ang kinakatakutan ko, ng pag baba ko sa harap ng baba baan ko. Walang mga tryc!! Alam na alay lakad na toooo. Grabe nakita ko hanggang dibdib ung baha! Inisip ko agad ung bahay nmin bka 2nd floor nlng makita ko. So nilusob ko ang baha lakad jan, suot dun, langoy d2, hawak jan, at aun nakarating na ako sa bahay nmin ng walang galos at gutom n gutom at basang basa sa ulan... So pag dating ko sa bahay.. Dami pa prob dahil medjo pinasok kami ng baha.. AMp.... Yaw ko na kwento... Gutom na ako..


So aun ung na experience ko na 1st time! Hehe. Virgin pa aq sa ganun e. So ngaun laspag na. Dahil kay Ondoy! Tpos may pangalawa pa! Si Pepeng ina!! Haup!!

No comments:

Post a Comment