About Me

My photo
Taguig City, Philippines
xoxo

Saturday, October 3, 2009

Let's go hand in hand to support the VICTIMS of TYPHOON ONDOY.

Haizt salamat at ginanahan na ulit ako mag post dito sa aking walang kwentang blog....



Ito ang aming karanasan kasama ang aking mahal na ina, kapatid ko at ang aking mahal na princesa (Subrang cheezy). Anyway gusto ko lang i-share sa inyo to at para ma-inspire din kau, na khit mahirap ka man pwede ka tumulong sa kapwa mo, maski papano at maski anong paraan basta sa magandang paraan mo ito gagawin, heheh, gets?




October 2, 2009, namigay kami ng relief goods sa mga nasalanta ng 
bagyong Ondoy sa Hagonoy gamit ng onti naming biyaya na natanggap galing sa itaas. Mama ko ang pasimuno nito, kasi naman halos laman ng news sa tv eh ung mga nasalanta ng bagyong Ondoy so ang mama ko hindi nag dalawang isip na tumulong at isama kami.






Masarap tumulong sa kapwa natin pinoy o kung ano pa man ang kanyang lahi basta bukal sa loob natin ang ating ginagawa. Sa totoo lang ayaw ko pa non sumama sa relief goods operation nila ang kaso biglang prang binatukan ako ng sarili ko. Kaysa sa mag dota ako mag hapon, maglaro ng ps3, at mag psp, sasama na lang ako at para naman ma-expose sa ibat ibang lugar... Sobrang nasayahan talaga ako at iba ang feeling, ung parang ang sasaya talga.. Biruin mo simpleng hamak na mamamayan ka lang pero ang laki n ng naitulong mo sa pamamagitan ng onting tulong. Nakaka sabog ng puso mga sinasabi ng nabibigyan namin. 




Victims of Typhoon Ondoy: "Maraming salamat sa inyo, Hindi kami na-aabot ng tulong dito kasi tagong tago tong lugar na ito at hindi parin humuhupa ang baha." 



Pili lang kasi ang pinuntahan namin.. Sa pamamagitan ng bahay, makikita mo kasi kung talagang walang wala sila... Kung medjo mataas ang bahay okay pa un, pero kung tagpi tagpi ng yero ang bahay positive dapat eto ang bigyan. 



Na realize ko na ginawa ako ng diyos dahil dapat gawin ko ang mission ko dito sa lupa hanggat na bubuhay ako. Alam ko alam nyo ibig kong sabihin, hindi ka binuhay ng diyos para mag pakasarap lang dito sa ibabaw ng lupa.. Gawin mong makabuluhan ang iyong buhay.

~Note: Oo nga pla,,, may mga video ako. Kaso ina-upload ko pa xa eh. heheh... At ndi pla pde mag post d2 ng video. haha. kakaasar.. Bka sa peyzbuk q nlng ilagay... Visit nyo din huh!? =P

2 comments: